July 22, 2011 isa sa mga pinananabikan kong araw. Bakit? Dahil ito ang araw ng aming paglalakbay. Paglalakbay sa nakalipas at nakaraan. Sa nakaraan na magbibigay ng kaalaman tungkol sa mga pangyayari at mga bagay mula sa iba't ibang panahon. Paano? Tunghayan sa aking Blog na ito at sumama sa isang nakakapagod ngunit masaya at siguradong kapupulutan ng mga aral.
8am ay umalis na kami sa aming paaralan at patungo sa unang lugar kung saan babalikan namin ang nakaraan. Isang oras at kalahati ang byahe patungo sa Ayala Museum sa Makati. Medyo nakakapagod at nakakainip ang byahe. Para hindi kami tuluyang mainip ay walang sawang kwentuhan, tawanan, pikturan ang ginawa naming magkaklase. Hindi na namin namalayan ang oras. Maya-maya ay huminto na ang sasakyang sinasakyan namin.
Sa wakas narating na rin namin ang Ayala Museum ng mga bandang 9:30am. Sa labas pa lang ay makakamangha na dahil sa ganda at linis ng paligid. Agaw pansin din ang isang lumang Kanyon sa gilid ng museum. Lumang luma na ito ngunit napanatili pa rin nilang maayos. Sa pagpasok namin sa loob ay makakaramdam ka ng lamig dahil sa malakas na aircon. Agad kaming pinapila ng mga tagapangasiwa ng museum upang makakuha ng ticket. Sinimulan namin ang paglilibot sa unang palapag. Dito makikita ang iba't iba at naglalakihang mga paintings. May mga paintings na talagang hahanga ka sa ganda at galing ng pagkakagawa. Meron din namang hindi maintindihan at parang basta na lang ginawa o tinatawag na abstract. Maganda ang pagkakaayos ng mga paintings. Sunod na pinuntahan namin ay ang 2nd floor ngunit sinabihan kami ng gwardya na mas maganda kung uumpisahan namin sa ikaapat na palapag pababa. Maayos naman ang pakikitungo at pagsalubong sa amin ng ibang gwardya. Ngunit meron ding isang gwardya na nakakainis dahil ang sungit sungit. Sa ikaapat na palapag ay ang pinakasentro ng museum dahil nandito ang mga ginto na ginamit ng mga sinaunang tao noon. Nakakahanga ang galing ng mga ninuno natin dati, dahil nakagawa sila ng magagandang alahas, kagamitan at bagay mula sa ginto. Maayos naman at kakaiba ang pagkakaayos ng mga ginto sa museum. Nakakaakit pa yung video na pinanuod. Ang "Gold of the Ancestors". Sa ikatlong palapag medyo okey lang sya sa akin. Nakita ko dito ang iba't ibang banga, damit, at kagamitan ng ating mga ninuno sa iba't ibang panahon. Sa ikalawang palapag ang pinakanagandahan ako at pinakahumanga. Ang ganda ng pagkakagawa ng mga miniatures at sobrang detalye. Mula sa panahon ng mga aeta's hanggang sa panahon ng Martial Law. Kaya lang hindi pwedeng kumuha ng mga pictures kaya sa labas na lang kami humataw ng pagpicture.
Sunod na pinuntahan ay ang National Museum. Ito ang pinakagusto ko at "The best" sa paglalakbay noong araw na iyon. bakit? Dahil dito pwede kang magpicture ng mag picture. Sa Labas pa lang ng museuem ay ngpicture to the max na kami.
Bawal lang ang may flash. ang saya saya talaga. ang dami ko pang nakita at nalaman. Malawak ang buong lugar. medyo nakakatakot lang dahil sa sobrang laki at luma na ng museum. Para sa akin mas maganda at maayos rin ang pakikitungo ng mga tagapamahala ng lugar. Napanatili rin nilang maganda at makatotohanan ang bawat artifacts, sinaunang gamit, mga paintings at iba pa. Maraming mga bagay ang umagaw ng pansin ko. Ito ay ang mga:
|
Ang maliit at kakaibang kubo |
|
Ang malalaking ngipin ng buwaya. |
|
Maraming mga crickets o grasshopper na na-preserved. |
|
Ang kahanga-hangang mga paru-paro. |
|
Ang nakakatakot na buto. |
|
Ang mga kubo - kubo sa loob ng museum na nagpapakita ng iba't ibang
istilo ng mga Pilipino noong unang panahon |
|
Munting pamayanan sa loob ng museum. |
|
Kakaibang mga Paintings. |
|
Ang napakalaking si Jeremy ayyyy!!! ang Agila pala. |
|
Mga malalaking banga na pinaglalagyan ng mga labi ng sinaunang tao. |
|
First time kong makita ang comodo dragon, kakatakot!!
Naging maulan ang araw ng paglalakbay na yun. kaya inakala namin na hindi na kami matutuloy sa Intramuros. Marami sana kaming mapupuntahan dun. Pero paglabas namin ng museum ay tumila na ang ulan at medyo naging maaraw. Talagang pinapaburan ng Dyos ang paglalakbay namin. Malapit lang naman ang National Museum sa Intramuros kaya sandali lang ang byahe. Sa St. Augustine church pumarada ang sasakyan dahil ito ang unang spot namin pero sarado ang simbahan at may bayad naman ang museum kaya sa ibang spots naman kami pumunta. Maraming mga lugar ang dapat puntahan kaya panigurado mahaba - habang lakaran ito.
Sunod naming pinuntahan ang Manila Cathedral. Napakalaki at lawak ng simbahan. Marami ka ring makikitang iba't ibang mga imahen at rebulto ng mga Santo. Makikita rin dito ang isang lumang Pipe Organ. Kahit araw ng Biyernes ay maraming tao pa rin ang mataimtim na nagdadasal. |
|
Larawan kuha sa labas ng Manila Cathedral |
|
BSCS sa labas ng Manila Cathedral |
|
Ang harap ng lumang simbahan
|
|
Fountain sa harap ng Manila Cathedral |
Fort Santiago ang sunod naming pupuntahan. Lakad na naman kami. Syempre dahil hindi namin kabisado ang lugar puro kami pagtatanong. kahit pagod na pagod na kami ay tuloy pa din sa paglalakad. Sa wakas nahanap na namin ang Fort Santiago. Kaya lang may bayad =((((( ang mahal pa. kaya kahit gusto naman pumasok wala kami magagawa. Picture na lang sa labas ng Fort Santiago.
Tuloy pa rin ang lakad. Nagbabakasakaling makahanap kami ng museum na libre at walang bayad. Ngunit sa sawing palad, wala talaga, dami na naming pagod at malapit na kami umuwi kaya nagdesisyon na kaming bumalik na lang sa van. Sa paglalakad namin dumaan kami sa wall Intramuros. bakit?? wala lang, mafeel lang namin ang intamuros. hehehehehe.
|
Wall of Intramuros. Malapit sa Golf course.
Natapos ang isang buong araw na nakakapagod ngunit sobrang saya, at talagang kapupulutan ng mga aral. Marami akong nalaman at natuklasan. Sulit na sulit ang mga pagod. Masaya din dahil sa walang sawa at humpay na biro at katatawanan. Salamat sa isang hinding malilimutan na araw =))))))))))))))) |